Grace Poe, topnotcher sa 4 na survey

Muling pinatunayan ni Sen. Grace Poe ang pangunguna sa mga survey nang siya rin ang mag-topnotcher sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Research Inc. kaugnay ng 2019 Elections Senatorial Preferences nitong Disyembre 14-21, 2018.

Bago ito, si Poe rin ang No. 1 sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Nobyembre 12-18, 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong Nobyembre 7-17, 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Disyembre Disyembre 16-19, 2018 kaya nakatitiyak si Sen. Grace Poe na magiging topnotcher sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13.

Sinuportahan si Poe ng 75.6 porsiyento (%) sa tinanong nang face-to-face na 1,800 respondents na edad 18-anyos pataas, malayong-malayo sa pumangalawa na si Sen. Cynthia Villar, na may 66.6 % samantalang pumangatlo si Sen. Sonny Angara na may 58.5% at dating senador Pia Cayetano na nagtamo ng 55.4 %.

Naglalaro sa ikalima hanggang kapitong puwesto sina dating senador Lito Lapid (49.8 %), Sen. Nancy Binay (46.7 5), at Sen. Koko Pimentel (45.5 %).

Nasa ika-8 spot si dating senador Bong Revilla na may 37.6%; ikasiyam si Ilocos Norte Governor Imee Marcos (36.7%); No. 10 si dating senador Jinggoy Estrada (36.3); at No. 11 si dating Phillipine National Police chief Bato dela Rosa (35.7).

Nagpantay-pantay sa ika-12, ika-13 at ika-14 na puwesto sina dating senador Mar Roxas (35%), dating senador JV Ejercito (33.6%) at senador Bam Aquino (32.6%).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close