Pagpapaliwanagin ng National Privacy Commission (NPC) ang Philippine National Police (PNP) kung bakit nagsagawa ang mga ito ng profiling sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Para kay Privacy commissioner Raymund Liboro, dapat ipaliwanag ng mga opisyales ng PNP Data Protection Unit ang naiulat na pangunguha ng intelihensiya sa mga gurong kabilang sa militanteng ACT, na nakaangkla sa makakaliwang grupong Bagong Alyansang Makabayan at inaakusahan ng mga awtoridad na isa lamang front ng Communist Party of the Philippines.
“We had conducted Data Privacy Act briefings with the PNP before, together with their data protection unit. We will be contacting them,” pahayag ni Liboro.
Nilinaw din ni Liboro na may limitasyon ginagawa ng mga awtoridad sa pangongolekta at pagproseso ng mga personal na datos.
“The Data Privacy Act recognizes the importance of public order and safety, and that processing of personal information is important for law enforcement purposes. This, however, is not without limits. The processing of personal data, especially those of sensitive nature, should only be to the extent necessary for the purpose. This means collection should always be consistent with full respect of human rights and the Constitution, particularly the right to information privacy,” sabi pa ng NPC chief.
Sa ilalim ng batas na ito, kinokonsiderang personal na impormasyon ang anumang apiliyasyong pilosopikal o politikal at ginagabayan ang pagproseso nito ng istriktong kondisyon.
Nadiskubre ang ginagawang operasyon ng PNP sa mga miyembro ng ACT nang may makalabas na mga memo mula sa iba’t ibang yunit ng intelihensiya.