$1.5-B global bond sale ng ‘Pinas, pinagkaguluhan sa merkado

Nakalikom ang Pilipinas ng bagong salapi mula sa $1.5 bilyong halaga ng 10-year dollar-denominated global bonds at naghudyat ng matagumpay na pagbabalik ng bansa sa international debt market ngayong taon.

Base sa ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), ipinarating ni National Treasurer Rosalia de Leon na nakakuha ng $4 bilyon sa demand at senyales aniya ito ng pagtitiwala ng mga mamumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas.

“We have garnered strong support from the global fixed income investor community despite recently heightened volatilities in the global markets. This demonstrates strong conviction from the global investor community on the country’s economic fundamentals,’’ pahayag ni De Leon.

Ayon sa BTr, makatutulong ang ganansiya nito upang mapondohan ang mga gastusin ng pamahalaan ngayong 2019.

May halagang 3.75 porsiyento ang bonds at lumalaban ito ng 110 basis points sa US Treasury. Higit itong mababa kaysa inisyal na gabay sa presyo na plus 130 basis points.

“The issuance marks the first  emerging market  sovereign  dollar bond issuance in 2019 and demonstrates the republic’s ability to respond tactically to conducive market conditions to capture a favorable issuance window,” anang BTr.

Kung ibabatay sa alokasyong heyograpiya, 37 porsiyento ng bonds ang nasa Asya, 28 porsiyento sa Estados Unidos at 35 porsiyento sa Europa.

“This transaction further illustrates deepening investor confidence in the Philippines’ growth story and the Duterte administration’s ability to maintain fiscal discipline while spending big on infrastructure modernization, human capital development and social protection for the poor,” pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Ngayong 2019, nakalatag ang programa ng pamahalaan na umutang ng P1.19 trilyon, mas mataas ng 20 porsiyento kaysa borrowing program noong nakaraang taon na P986 bilyon. Mula sa halagang ito, inaasahang manggagaling ang P297.2 bilyon ($5.504 bilyon) mula sa mga foreign lenders.

Naunang dinagdagan ng mga economic manager ang ating borrowing program ngayong taon dahil na rin sa inaasahang mas mataas na fiscal deficit ceiling na nakatakda sa 3.2 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ngayong 2019.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close