DPWH secretary, idinawit ng DBM sa flood-control anomaly

NAGTURUAN na ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ni Secretary Mark Villar sa isyu ng anomalya tungkol sa Flood Mitigation Structures and Drainage Systems program.

Mariing itinanggi ng DBM Secretary Benjamin Diokno  na ang kagawaran niya ang nag-faci­litate ng pondo sa proyekto ng DPWH na umaabot sa P332 bilyon, gaya ng ibinibintang ni House Majority Leader at Camarines Sur Representative Rolando Andaya, Jr. na naging DBM secretary ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“The DBM has no hand in determining the pro­jects that should be implemented and in which a­reas or districts. This is the job of the implemen­ting agency; in this case, the DPWH,” pahayag ng DBM.

Itinanggi din ng DBM na may pinapaboran itong mga lugar o distrito sa pag-allocate nito ng pondo para sa proyekto.

Sa isang programa naman ng GMA News nitong Lunes, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang DBM lang ang nagtakda ng ceiling sa budget ng DPWH subalit ang mga ‘specific’ na proyekto ay ang ahensiya na ang nagdikta.

“Hindi namin pinapakialam ‘yun. Nasa kanila na ‘yun kung saan nila ilalagay ‘yun,” ani Diok­no.

Hindi rin naniniwala ang kalihim sa sinabi ni Villar na hindi nito alam ang mga maanomalyang flood control project sa kanyang tanggapan.

Sa hiwalay na panayam naman kay Andaya, sinabi nitong ‘maaaring’ alam ni Villar ang mga kontrobersiyal na proyekto pero base sa pakikipag-usap niya rito ay sinabi ng kalihim na napalusutan ito.

Naunang sinabi ni Andaya na pawang matataas na opisyal ng DPWH ang naging kasabwat ng DBM sa flood control scam.

Kabilang sa mga nabiyayaan ay ang construction firm na pag-aari ng anak at balae ni Diokno sa Sorsogon kung saan ginamit na front o dummy ang CT Leoncio Trading at iba pang Triple A contractors sa mga proyekto.

Hinamon naman ni Senador Sherwin Gatcha­lian si Andaya na maglabas ng matibay na ebidensiya laban kay Diokno.

“Dapat klaro kung alin ang politika at ang ebidensiya. Si Secretary Diokno naman alam namin ang integridad. Hindi naman siya magsisilbi sa tatlong Pangulo kung wala siyang integridad,” giit ni Gatchalian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close