Unang pagtaas sa presyo ng langis, papalo ngayong linggo

Dapat nang asahan ng taumbayan ang pagtaas sa presyo ng langis ngayong linggo makaraang gumalaw ito paakyat mula sa pandaigdigang merkado.

“Expect fuel prices to go up again next week. Diesel and gasoline should go up by P0.70 – P0.80 per liter,” sabi ni Unioil Philippines sa kanyang official Twitter account.

Magaganap ang nakatakdang pagtaas ng presyo matapos ang 11 sunod na linggong pagsubsob sa halaga ng diesel at gaas at tatlong sunod na linggo para sa gasolina.

Bago pa man pumasok ang Bagong Taon, gumawa pa ng huling price adjustment ang mga kompanya ng langis para ibaba sa P1.30 kada litro ng gasolina, P1.85 kada litro ng diesel at P1.90 kada litro ng gaas.

Nauna ring nagpahayag ang Department of Energy (DOE) noong nakaraang taon na patuloy sa pagbaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod ng sobrang daming suplay nito. Subalit mabilis na nagbago ang galaw ng presyo ng langis sa huling dalawang araw ng trading week.

Noong nakaraang Huwebes, tumaas ng 1 porsiyento ang halaga ng langis nang magpasya ang major oil producer na Saudi Arabia na bawasan ang kanilang output.

Tumaas din ang global oil prices ng 2 porsiyento dahil sa isinususog na US-China talks na bahagyang nagpasigla sa kalakalan noong Biyernes subalit bumaba rin kaagad sa pagsasara nito bunsod nang pagtaas ng pangangailan sa langis ng Estados Unidos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close