Utang ng ‘Pinas, lumobo na sa P7.195 trilyon

Patuloy ang paglaki ng utang ng bansa nang maitala noong Nobyembre 2018 ang all-time high na P7.195 trilyon dahil mas malaki pa ang inisyu ng pamahalaan para sa domestic securities kaysa halagang pumasok sa kaban ng bayan.

Sa ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), tumaas pa ng 0.4 porsiyento o katumbas ng P27.94 bilyon ang utang ng gobyerno kaysa naitala noong nakaraang buwan na P7.167 trilyon.

Mas mataas din ito ng 11.8 porsiyento kung ikokompara sa P6.437 trilyon na naitala sa kaparehong buwan noong 2017.

“For the month, the registered increase in domestic debt was due to the net issuance of government securities amounting to P88.33 billion as the committee fully awarded Treasury bonds amid strong market demand,” pahayag ng BTr.

Naimarka ang domestic debt noong Nobyembre sa halagang P4.708 trilyon, na tumaas ng 1.9 porsiyento kaysa noong katapusan ng Oktubre 2018 na P4.62 trilyon.

Gayunman, bumaba sa 2.3 porsiyento o P2.487 trilyon mula sa P2.547 trilyon ang external debt stock ng pamahalaan sa pagtatapos ng Nobyembre.

“This was slightly offset by the appreciation of the peso, which decreased the value of onshore dollar bonds by P570 million,” paliwanag pa ng BTr.

Nilinaw pa ng ahensiya na nakatulong ang malakas na pakikipagsabayan ng piso laban sa dolyar kung kaya bumaba ang external debt ng P54.15 bilyon kasabay pa ang pagbabayad sa ating foreign obligations na umabot sa P5.89 bilyon.

Samantala, ipinabatid din ng BTr na bumagsak ang total guaranteed obligations ng bansa sa pagtatapos ng Nobyembre sa 2.7 porsiyento o P471.8 bilyon kompara sa P484.71 bilyon ng naunang buwan.

Nangungutang ang pamahalaan sa domestic at external lenders upang mapasakan ang inaasahang kakulangan sa badyet gayundin para mabayaran ang maturing debt.

Para sa 2018, nakatakdang pumalo ang borrowing program ng pamahalaan sa P986 bilyon. Inaasahan ding tataas ito ng 20 porsiyento o P1.19 trilyon ngayong taon dulot na rin ng mas malaking fiscal deficit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close