Villar at Poe, topnotchers sa SWS survey

Halos magkadikit sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa limang buwan bago ang midterm elections.

Nakakuha si Villar ng 62 porsiyento (%), katumbas ng tinatayang 37 milyong boto, kadikit si Poe na nagtamo ng 60% o tinatayang 36.4 milyong boto.

Magkakapantay sina Taguig Rep. Pia Cayetano, Sen. Sonny Angara at Sen. Nancy Binay, na pawang nakakuha ng 40% sa survey sa 1,500 katao na tinanong nang harapan na isinagawa mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 19.

Solong pang-anim naman ang aktor at dating senador na si Lito Lapid na nagtamo ng 38%, nasa No. 7 at No. 8 sina Sen. Aquilino Pimentel III at dating senador Jinggoy Estrada na kapwa nakakuha ng 43% voting preference.

Nasa No. 10 spot si dating senador Mar Roxas na may 28% kasunod si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na may 27%. Pumuwestong ika-12 si Sen. Joseph Victor Ejercito na may natamong 27% katumbas ng mahigit 15 milyong boto.

Nasa 13th at 14th places sina dating senador Serge Osmeña at Sen. Paolo Benigno Aquino IV samantalang magkasunod sa 15thhanggang 16th places sina dating special assistant to the President Christopher Go at Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa.

Magkapantay sina dating presidential political affairs adviser at dating Senate president Juan Ponce Enrile na kapwa nagtamo ng 16% sa voting preferences.

May margin of error na plus o minus three percent ang survey ng SWS na kadalasang nagiging basehan sa pagboto ng mga mamamayan sa nalalapit na halalan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close