Security upgrade sa NAIA, sisimulan na

Kumikilos na ang Department of Transportation (DOTr) upang masolusyonan ang mga security concern na inihatag ng US Department of Homeland Security sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kaiisyu lamang ng US Department of Homeland Security ng travel warning sa Pilipinas nitong Miyerkules dahil sa sinasabing mahinang security protocol sa NAIA.

“MIAA (Manila International Airport Authority) and the OTS (Office of Transportation Security) have been continuously working and coordinating with other international assessment bodies that include the International Civil Aviation Organization standards of safety and security,” pahayag ng DOTr sa isang kalatas.

Idinagdag pa ng kagawaran na prioridad nila ngayon ang implementasyon ng higit pang estriktong hakbangin upang mahigpitan ang seguridad sa bansa.

Ilan sa mga rekomendasyon ng Transportation Security Administration ng Estados Unidos ang instalasyon ng bagong x-ray machines, walk-through metal detectors at alarm systems.

“The procurement of up-to-date equipment is already under process, but this will take time because the items are not off-the-shelf and will require lead time for manufacturing and delivery following government rules and regulations,” ayon pa sa DOTr.

Umaasa rin ang DOTr na maisaayos ang lahat ng instalasyon at magamit na pagsapit ng ikalawang quarter ng 2019.

Kumilos ang DOTr makaraang madetermina ng mga security expert mula sa Transportation Security Administration ang mga nasabing isyu na inihatag ng Estados Unidos nitong Miyerkules.

Ayon sa pinakahuling pagtantiya, dumarating ang may 40 milyong pasahero sa NAIA para sa taong 2018.

Patuloy naman ang pagganda ng katayuan ng NAIA sa world airport standings. Noong 2017, hindi na nakasama ang NAIA sa 20 pinakamasamang airport sa daigdig at limang pinakamasama sa buong Asya.

Noong Marso, lumabas sa sarbey na napabilang ang NAIA sa mga sampung most improved airports sa daigdig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close