P350-B subway project, lalarga sa Enero 2019

Nakatakdang isagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking event para sa P350-billion subway project na gagawin sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Orihinal na dapat gawin ang seremonya noong Disyembre 19 subalit ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nagkaroon ng pagbabago sa iskedyul dahil sa pagdating ng Kapaskuhan.

“Nagkasundo kami ng ating counterpart sa Japan, na siyang magpopondo sa proyekto sa bisa ng overseas development assistance loan, na gawin na lamang ito bandang kalagitnaan ng Enero 2019,” ani Tugade.

May haba ang proyektong tatawaging Mega Manila subway na 25 kilometro. Iuugnay nito ang Quezon City patungong Taguig City. Maglalagay rin ito ng koneksiyon para sa Ninoy Aquino International Airport.

Naunang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang proyekto nitong Setyembre.

“Dapat matapos ang buong proyekto sa 2025. Pero umaasa kami na mabubuksan ang unang tatlong istasyon sa 2022 kasabay naman ng pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte,” sabi pa ni Tugade.

Matatagpuan ang mga istasyon ng subway sa Mindanao Avenue, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan Avenue, Bonifacio Globe City, Cayetano Boulevard at sa Food Terminal Inc. complex.

Masosolusyonan ng subway project ang lumalalang trapik sa Kamaynilaan.

Batay sa ulat ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nalulugi ang ating ekonomiya ng P3.5 bilyon sanhi ng trapik simula pa noong 2017.

Sa kasalukuyan, dalawa ang subway project ng DOTr sa Metro Manila. Pinondohan naman ng mga pribadong sektor at ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Makati ang ikalawang subway project para sa nasabing financial district ng bansa.

Naipagkaloob sa negosyanteng si Antonio Tiu ng Philippine Infradev Holdings Inc. (IRC) noong Oktubre ang karapatan upang mag-build and operate ng underground train system sa tulong ng Public Private Partnership Selection Committee ng Lungsod ng Makati, na magsisilbing partner sa proyekto.

Kaayuda ng IRC ang kanilang Chinese partner para sa P196 billion project. Kasama pa sa consortium ang Greenland Holdings, Jiangsu Provincial Construction Group, Kwan On Holdings at MingTu Investment Holdings.

Katatapos lamang ng IRC sa kanilang soil-testing event sa unang bahagi ng Disyembre bago isagawa ang groundbreaking para sa subway project na pakikinabangan ng lungsod.

Kasama sa mga istasyon ang Edsa-Ayala Avenue, Ayala Triangle Gardens, Makati Central Park, Makati City Hall, Rockwell Center, EDSA-Guadalupe at Ospital ng Makati.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close