Maganda ang panukalang batas ni Magdalo Party-List Representative Gary Alejano na “Graduation Legacy for the Environment Bill” na magre-require sa lahat ng graduating elementary, high school, at college students na magtanim ng tig-10 puno bilang rekesitos sa kanilang pagtatapos.
Pumasa na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8728 na magsisilbing prerequisite sa pagtatapos ng mga estudyante, na kanila ring magiging living legacy o buhay na pamana sa kalikasan at sa susunod na mga henerasyon.
Idiniin ni Alejano na bilang bahagi ng pagbibigay proteksiyon ng estado sa kalikasan ay maaaring gamitin ang educational system sa paraan ng pagsusulong para sa ethical and sustainable use ng natural resources sa mga kabataan.
Sa panukala, ang mga puno ay itatanim sa alinmang mga lugar: (a) forest lands, (b) mangrove and protected areas, (c) ancestral domains, (d) civil and military reservations, (e) urban areas under the greening plan of the local government units, (f) inactive and abandoned mine sites, and (g) other suitable lands.
Ang itatanim na puno ay dapat na naaayon sa lokasyon, klima at topograpiya ng mga lugar na pagtataniman nito.
Kung kaagad maipapasa ang panukalang batas na ito, asahan na muling mabubuhay ang mga nakalbong kagubatan sa buong bansa na magbibigay sa atin ng proteksiyon sa mga bagyo at tsunami.