3 gabinete ni Digong, bagsak sa CA

Tatlong miyembro ng gabinete ang nabigong makapasa sa Commission on Appointments (CA) dahil naabutan ng pagtatapos ng sesyon ng Kongreso bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan.

Minalas na hindi nakalusot sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista at ang bagong luklok na Kalihim ng Information and Communications Technology na si Senador Gregorio Honasan.

Bukod sa mga kalihim, kasama rin nilang hindi nakapasa si Civil Service Commissioner Aileen Lizada, ang kontrobersiyal na dating miyembro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Unang tinanggap nina Año, Bautista at Lizada ang kanilang mga appointment noong Nobyembre 5, Oktubre 17 at Nobyembre 9, ayon sa pagkakasunod, habang naka-recess ang Kongreso para sa Undas.

Kaya kinakailangang mag-isyu ng panibagong appointment si Pangulong Rodrigo Duterte kung nais pa niyang manatili ang mga ito.

Subalit para kay Honasan, hindi na niya kailangan ng panibagong appointment dahil nahirang siya ni Duterte noong Nobyembre 20 habang may sesyon ang Kongreso. Magiging epektibo lamang ang kanyang appointment kung kukumpirmahin na ito ng CA.

Pansamantala munang ipagpapatuloy ni Honasan ang tungkulin bilang senador, na mapapaso ang kanyang pangalawang termino sa Hunyo 30, 2019.

Maraming kumukuwestiyon sa nominasyon ni Duterte kay Honasan bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at inakusahan pa ang Punong Ehekutibo ng double standard.

Ilang mga mambabatas ang nagtataka sa prinsipyo ni Duterte tungkol sa pakikipaglaban sa korupsiyon. Habang sinisibak ng Pangulo ang kanyang mga miyembro ng gabineteng nasasangkot sa korupsiyon, pinili naman niya si Honasan na kasalukuyang nahaharap sa graft charges sa Sandiganbayan sanhi ng hinihinalang maling paggamit ng kanyang P30 million pork barrel funds.

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Honasan noong huling yugto ng 2017. Kasama niyang nakademanda ang mga opisyales ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na pinangungunahan ni dating Commissioner Mehol Sadain.

Ang NCMF ang ahensiyang pinagbigyan ni Honasan ng nasabing pondo para sa implementasyon ng proyekto ng non-government organization (NGO) Focus Development Goals Foundation Inc.

Ayon sa reklamo, inendorso ng senador ang NGO sa NCMF bilang project implementer. Gayunman, nagpahayag si Honasan na wala siyang ginawang anumang katiwalian.

 

 

, comes at a time when the government is completing the process of awarding third telecommunications industry player status to the consortium of China Telecom and presidential friend Davao businessman Dennis Uy.

The Uy group was chosen in a bidding hailed as the most fair and transparent under the Duterte administration.

Acting DICT Secretary Eliseo Rio Jr. was largely credited for the success of the bidding.

On Nov. 22, the CA published Honasan’s nomination and invited the public to submit any adverse information, complaint or opposition.

Honasan’s critics have also expressed doubts on whether he is qualified under criteria prescribed by the law creating the DICT.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close