Nanindigan ang opisyales ng Ateneo de Manila University (ADMU) na hindi sila magdadalawang-isip sa sa pagpapataw ng kaparusahan sa dalawang estudyante ng Ateneo Junior High School na nasangkot sa viral video ng bullying incident sa loob ng paaralan.
Ayon kay ADMU President Fr. Jose Ramon Villarin SJ, matapos nilang makausap ang mga magulang ng biktima at ng dalawang estudyante noong Biyernes, nakahanda silang sipain o paalisin sa paaralan ang mga estudyanteng mapapatunayang nagkasala ng grave misconduct.
“The Ateneo Junior High School Committee on Discipline has already met with and heard both parties involved. The case shall be decided soonest, and this decision shared with the community,” ayon sa opisyal na kalatas ni Villarin.
Idinagdag pa ng opisyal na hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng bayolenteng insidente na taliwas sa kanilang mga itinuturo.
“The school is not silent on its stand on violence and it will not hesitate to impose the penalty of dismissal or even expulsion in cases of grave misconduct. A hallmark of Ateneo education is teaching our young men to respect the dignity of others, to practice the value of communication and dialogue, and to cultivate the compassion and discipline we all need to build mutual respect and peace in the community,” pahayag pa ni Villarin.
Ilang video ang kumalat sa mga sikat na social media website na nagpapakitang nananakit ng pisikal at berbal ang ilang ADMU Junior High School student laban sa kanilang kapwa estudyante.
“Bugbog o dignidad?,” tanong ng isang mag-aaral sa isang estudyante.
Pinili ng biktimang huwag mawala ang kanyang dignidad at mabilis naman siyang inatake ng suspek.