P20-B Chinese CCTV deal, bubusisiin ng Senado

Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang P20 bilyong deal sa pagitan ng Department of the Interior and Local Governments (DILG) at ng state-owned Chinese firm para mailagay ang mga sopistikadong surveillance system sa Metro Manila at Davao City sa susunod na taon.

Ikakasa ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang resolusyon para mapag-aralan ang commercial contract ng DILG at China International Telecommunications and Construction Corp. (CITCC) na nilagdaan noong nakaraang buwan kasabay ng unang state visit ni Chinese President Xi Jinping.

“Should we entrust a state-owned company with our surveillance system?” tanong ni Recto kaugnay sa tinatawag na Safe Philippines project.

Idinagdag pa ng senador na ang supplier ng CITCC ay Huawei Technologies, isang Chinese firm na blacklisted ng ilang mauunlad na bansa dahil sa pinaghihinalaang security at corporate violations.

“I have no problem with being closer with China, they can fund some of our infrastructure projects, as long as we get the best bang for our buck, as long as our national security will not be jeopardized,” anang mambabatas.

Popondohan ang proyekto ng 85% mula sa pautang ng CITCC at 15% lokal na pamumuhunan.

Sinabi pa ni Recto na marami ng ulat na may nakatagong spyware sa hardware at operating systems ng produktong Huawei.

Base sa kasunduan, ilalagay ang unang 12,000 closed-circuit television cameras (CCTVs) sa Metro Manila at Davao City sa loob ng 30 buwan. Nakatutok ang mga kamera sa mga crossing, daan, parke, business districts, science at technology parks, residential areas, stadiums at iba pa.

Kasama sa sistema ang paglalagay ng national command center na may back-up data center sa Clark, Pampanga. Maiuugnay din ito sa disaster response agencies sa lahat ng rehiyon sa sandaling nakompleto ang proyekto.

Pinagpatuloy ng senador ang paggisa sa mga opisyales ng DILG, na hindi aniya nagpakita ng transparency makaraang mabigo ang mga ito na isumite ang mga nararapat na dokumento ng kontrata.

Labis ang pagkadismaya ni Recto dahil ipinasa lamang ng DILG ang timeline ng implementasyon ng proyekto kaya nagbabala siyang kayang bawiin ng Senado ang aprubal sa 2019 budget ng ahensiya sa sandaling nagbukas na ang sesyon ng kongreso sa Enero kung hindi tutugon ang mga opisyales.

Habang pinag-aaralan ng Senado ang proposed P223-billion budget ng DILG para sa susunod na taon, humingi ang senador ng kopya ng feasibility study ng proyekto ngunit itinuro ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga papeles.

Naghinala tuloy si Recto na hindi sa Pilipinas nagmula ang proyekto kundi itinulak ng CITCC habang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong 2016.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close