Carpio at Leonen, natawa sa pagkakasama sa Oust Duterte Movement list

Mariing itinanggi ng dalawang mahistrado ng Korte Suprema ang sinasabing pagkakaugnay nila sa planong destabilisasyon kontra sa administrasyon at para matanggal sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinagtawanan lamang ni Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Marvic Leonen ang pagkakasama nila sa sinasabing listahan ng mga indibidwal at grupong nasa likod ng ouster plot na ibinunyag ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang Facebook page.

“I consider that as a joke. It’s laughable,” pahayag ni Carpio sa ekslusibong panayam ng One News sa Cignal TV noong Biyernes ng gabi.

Tinukoy din ni Carpio, isang lantad na kritiko sa panininidigan ni Duterte sa territorial dispute kontra China sa South China Sea at West Philippine Sea, ang listahan na “pambihira” dahil nakabilang din dito ang mga bokal na tagasuporta ng Pangulo.

“The cast of characters include Victor Corpus, who is very pro-Duterte, and also Carmen Pedrosa, who is rabidly pro-Duterte, so I cannot imagine how these people can be destabilizers,” ani Carpio.

Idinagdag pa ni Carpio na wala siyang hinuha kung saan nagmula ang pagkakasama niya listahan kung kaya binalewala niya na lamang ito.

“[But] since I’m always in the news it did not surprise me anymore,” anang mahistrado.

Itinuring din ni Leonen ang pagkakasama niya rito na isang biro at kailangan ng matalas na sagot.

“I am vegan. I do not collude nor conspire with Jollibee,” paskil niya sa kanyang Twitter account nang malaman ang listahan noong nakaraang linggo.

Kabilang sa Oust Duterte Movement list ang mga politiko, obispo, mga dating miyembro ng gabinite, mamamahayag, civil society leaders at mga kompanya.

Kasama nina Carpio at Leonen sina Vice President Leni Robredo, dating Vice President Jejomar Binay, dating Chief Justice Hilario Davide, opposition Senators Leila de Lima at Risa Hontiveros, dating miyembro ng gabinite ng administrasyong Aquino na sina Corazon Soliman, Florencio Abad, Paquito Ochoa, Cesar Purisima at dating PNP chief Alan Purisima.

Kabilang din sina Catholic bishops Broderick Pabillo, Leo Drona, Antonio Tobias, Deogracias Iñiguez, Pablo David at mga mamamahayag na sina Maria Ressa, Ellen Tordesillas at Ed Lingao.

Bagamat dalawang taon nang pumanaw si Bishop Julio Xavier Labayen, nakasama pa rin siya sa listahan.

Tinukoy din ang Jollibee Foods Corp. bilang destabilizer.

Nilinaw naman ng batang Duterte na ginawa niya ito para magpatawa at binura din ang post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close