Pinaigting na pagkilos ng Administrasyong Duterte sa West Philippine Sea, inihirit ni Carpio

Naniniwala si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio na mas maraming Filipino ang umaasam nang higit pang matibay na paninindigan ng pamahalaan kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng programang The Chiefs sa One News ng Cignal TV, muling iginiit ni Carpio ang mas pinaigting na kampanya upang mabago ang kamalayan ng mga Tsino na hindi pag-aari ng China ang West Philippine Sea.

Sinabi pa ng mahistrado na may panukala ngayon sa Kongreso para sa deklarasyon na marine protected area ang ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Base sa resulta ng sarbey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong nakaraang buwan, 84 porsiyento ng mga Filipino ang kumbinsido na hindi sapat ang ginagawa ng administrasyong Duterte upang pigilan ang intrusyon ng China sa West Philippine Sea.

“[That] 84 percent would go up by the end of the year. That is good because it is only when we are united can we get the ruling enforced,” pahayag ni Carpio.

Dapat aniyang ipagpatuloy ng pamahalaang pagtibayin ang ating karapatan sa West Philippine Sea at dapat ding kumilos kada taon upang lalong mapalakas ang desisyong inihatag ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016.

Malinaw na nakasaad sa desisyon na walang legal na basehan ang China sa sinasabi nitong nine-dash line territorial claim.

Kasama si Carpio sa Philippine legal team na nagpanalo sa nasabing makasaysayang kaso.

Hiniling din ng Senior Associate Justice na pag-aralang maunawaan ng mga Filipino ang isyu upang higit nilang maipaliwanag ang posisyon ng ating bansa sa mga dayuhang makakasalamuha.

“China will not accept the ruling, not unless the Chinese people realize that the historical narrative 2,000 years ago is false. Since grade school to college they have been taught that they own the South China Sea and they really believe it because they were not taught other things,” sabi ng mahistrado.

Pinagdiinan pa ni Carpio na kung nagagawa ng China na kamkamin ang buong South China Sea at pasukin ang ating exclusive economic zone (EEZ), hindi rin malayong mangyari na gayahin ito ng mas malalaking bansa para sakupin ang EEZ ng ibang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close