Diokno, pinagbibitiw sa puwesto ng mga mambabatas

ni Ariel Dim. Borlongan

BUKING na No, No, No pa rin!

Ito ang pakiramdam ng mayorya ng mga miyembro ng Kamara ng mga Representante na nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na irebyu  ang appointment ni Budget Secretary Benjamin Diokno base sa naging finding sa question hour.

Agad naman in-adopt ng Kamara ang House Resolution 2365 na inihain ni House Minority Leader Danilo Suarez na humihikayat sa Pangulo na suriing muli  ang pagkakatalaga ng kalihim na kilala sa bansag na “Mr. No”.

Sinabi ni Suarez na may kapangyarihan ang Pangulo na mag-nominate at magtalaga sa pinuno ng Executive departments base sa isinasaad sa Section 1 Article VII ng  Saligang Batas.

Una nang sinabi ni Suarez na kung siya si Diokno ay magbibitiw na lang siya sa puwesto para sa delicadeza.

Reaksiyon ito ni Suarez kay Diokno kaugnay sa mga isyung nag-uugnay sa kanya tungkol sa budgetary insertions sa General Appropriations Bill for 2019.

Sa ginanap na question hour nitong Martes (Disyembre 11), isa sa mga naging findings ay ang disproportionate budget allocation para sa infrastructure projects sa Sorsogon na kinabibilangan ng pagpapaggawa ng kalsada, flood mitigation structures at access rods.

Halos 90 porsiyento ng naturang proyekto ay napunta sa isang construction firm na pag-aari ng isang personalidad  na nakabase sa Bulacan.  Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P3.5 bilyon.

Sa naging pagtatanong, itinanggi ni Diokno na may alam siya na tatakbo para sa posisyon bilang gobernador ng  Sorsogon si Vice Governor Esther Hamor na asawa ni Casiguran Mayor Edwin Hamor.

Ikinaila ni Diokno na kamag-anak niya ang mag-asawang Hamor ngunit nabisto rin na kanyang mga in-laws o biyenan ito ng kanyang anak na si Charlotte Justine na mister ni Romeo Sicat, Jr., anak sa unang asawa ng bise gobrernador.

Ayon naman kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hindi kapani-paniwala ang pahayag ni Diokno na wala siyang alam sa pagpapalabas ng DBM ng P10 bilyon ngayon taong badyet para sa infrastructure projects. Habang sa susunod na taon ay P6 bilyon ang ilalabas ng DBM.

Inamin din ni Diokno na kontrolado niya ang alokasyon at disbursements ng savings na nakukuha mula sa taunang badyet.

“Siya lang ang nakakaalam kung saan napupunta ang bilyun-bilyong savings na ginagastos sa mga infrastructure projects mula 2016 hanggang 2017. Huwag na siyang magtago sa saya ng Pangulo. It is clearer that he blinded sinned the President on the budget process,” ani Andaya.

Nanawagan si Andaya kay Diokno na huwag nang ipahiya ang Pangulo at magbitiw na lamang sa puwesto lalo.t nabisto na ang mag-asawang Hamor ay “masyadong malapit” kay Consolacion Leoncio na may-ari ng C.T. Leoncio Trading and Construction na nakakorner ng bilyon-bilyong pisong proyekto kahit hindi korporasyon kundi parang sari-sari store lang sa Bulacan.

Hangad naman ng Malakanyang na malaman ang katotohanan sa ipinahayag ni Andaya na ang construction company na malapit sa ilang miyembro ng Gabinete ay nakahamig ng trilyong pisong halaga ng proyekto ng pamahalaan.

“We will look into that. We will wait for the President’s announcement,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Idiniin ni Andaya na nakasangkit ang CT Leoncio Trading and Construction ng ilang proyekto noong nakaraang taon sa kabila na hindi ito kuwalipikado sa trabaho.

Nagprisinta si Andaya ng sertipikasyon mula sa Securities and Exchange Commission na nagsasaad na ang  CT Leoncio Trading and Construction ay hindi isang korporasyon at ang kontrata na  na nagpapakita na si Consolacion Tubuhan Leoncio ang tanging proprietor ng kompanya.

Sinabi pa ni Andaya na nasungkit ng CT Leoncio Trading and Construction ang  bilyon-bilyong pisong proeykto sa Sorsogon, Catanduanes, Samar,  National Capital Region, Camarines Sur, Pangasinan, Tarlac, Batangas, Bulacan at Davao City.

Sinabi pa niya na ang  CT Leoncio Construction and Trading ay napagkalooban ng mga proyekto na sa pakikipagsabwatan sa isang opisyal ng Department of Budget and Management na hindi niya pinangalanan ngunit ipinalalagay na si Diokno.

Inaprubahan na ng Kamara ang isinumiteng  motion to issue a subpoena na inihain ni Andaya laban kay CT Leoncio na may kaugnayan sa imbestigasyon ng mga mambabatas hinggil sa  cash-based budgeting system.

Bukod sa Leoncio, inaprubahan din ng Kamara ang subpoena na may kinalaman sa Department of Public Works and Highways regional directors, district engineering offices at Commission on Audit officials na in-charge sa auditing ng mga nasabing proyekto.

Inamin naman ng Leoncio na nakakuha sila ng P3 bilyong halaga ng government projects  subalit itinanggi na ito ay mayroong iregularidad  sa kontrata.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close